Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Lunes, Pebrero 14, 2011

Kung Ako ay Lilimutin Mo

Kung Ako ay Lilimutin Mo

ni Reya Bato

(salin sa 'If You Forget Me' ni Pablo Neruda)




Para kay R...



Hayaan mong ulitin ko

ang bagay na

malaon mo nang alam:

ang aninang ng abuhing buwan,



ang makupad na pag-usad

ng dilim sa labas,

ang pagkatibag ng abo

sa tuwi kong paghipo



o ang gaspang ng kahoy

na nakagatong sa apoy,

lahat ng iyon ay tinatangay

ako sa iyo, animong ang lahat:



ang samyo, ang liwanag,

ang mga metal, ay maliliit

na bangkang naglalayag

patungo sa iyong malilit



na pulo. Ngunit kung

unti-unti ang pag-ibig

mo sa akin ay mapawi,

sa puso ko ay hindi



ka na rin lalagi.

Kung sa isang iglap

ako ay iyong malimot,

huwag mo na akong hanapin pa



sapagkat limot na rin kita.

Kung iyong biglang maisip

na sadyang nakakainip

at nakakasira ng bait



ang paghihintay sa pag-ikit

ng aking buhay papalapit

sa iyo at magpas’ya ka

na ako ay iwan mo



sa pampang na aking pinagmulan,

iyong tandaan, sa oras na iyon

ay dahan-dahan kong ibibitaw

ang aking mga kamay



at lalayo sa iyo. Ngunit kung

sa bawat sandali ay walang

alinlangan mong maramdaman

na ikaw ay sa akin laan,



kung sa bawat araw

ako ang sanhi ng ngiti sa

iyong mga labi, ah aking mahal,

walang mawawala ni mapapawi,



ang pag-ibig ko ay muli’t muling

magniningas, sa mga bisig mo ako

ay hindi aalpas hanggang ang

pagmamahal mo ay hindi kumukupas.



14th February 2011



Original Text:




I want you to know

one thing.



You know how this is:

if I look

at the crystal moon, at the red branch

of the slow autumn at my window,

if I touch

near the fire

the impalpable ash

or the wrinkled body of the log,

everything carries me to you,

as if everything that exists,

aromas, light, metals,

were little boats

that sail

toward those isles of yours that wait for me.



Well, now,

if little by little you stop loving me

I shall stop loving you little by little.



If suddenly

you forget me

do not look for me,

for I shall already have forgotten you.



If you think it long and mad,

the wind of banners

that passes through my life,

and you decide

to leave me at the shore

of the heart where I have roots,

remember

that on that day,

at that hour,

I shall lift my arms

and my roots will set off

to seek another land.



But

if each day,

each hour,

you feel that you are destined for me

with implacable sweetness,

if each day a flower

climbs up to your lips to seek me,

ah my love, ah my own,

in me all that fire is repeated,

in me nothing is extinguished or forgotten,

my love feeds on your love, beloved,

and as long as you live it will be in your arms

without leaving mine.