Maisusulat ko sa Gabing Ito
Salin ni Reya Bato
Maisusulat ko sa gabing ito
ang pinakamapanglaw na berso.
Isusulat, halimbawa: “ang bituin
ay nagsabog, asul at nangangatog.”
Umaawit ang hanging
lumiligid sa langit.
Maisusulat ko sa gabing ito
ang pinakamapanglaw na berso.
Inibig ko siya, at inibig
din niya ako minsan.
Sa gabing ganito, nakakulong siya sa aking bisig.
Hinahagkan sa silong ng walang-hanggang langit.
Inibig niya ako, at inibig
ko rin siya minsan.
Paanong hindi ako mabibihag
sa kalaliman ng payapa niyang mga mata?
Maisusulat ko sa gabing ito
ang pinakamapanglaw na berso.
Magunitang hindi ko na siya kapiling.
Madamang wala na siya sa akin.
Madinig ang lawig ng gabi,
mas lumalawig ngayong hindi siya kaniig.
Ang mga berso ay bumagtas sa diwa
gaya ng hamog sa talahib
Ano pa ang silbi kung hindi siya
napanatili ng aking pag-ibig?
Ang bituin ay nagsabog sa dilim
at wala na siya akin.
Iyon lamang. May umaawit sa ilang. Sa ilang.
Diwa ko ay lutang sa kanyang paglisan.
Pilit pa rin siyang hahagilapin ng aking paningin
na animo muli siyang lilitaw sa aking harapan
Ang puso ko ay nangungulila
at sa tabi ko siya ay wala.
Walang nagbago sa gabing nagpapapusyaw
sa kakahuyan. Tayo, tayo ang nagbago.
Hindi ko na siya mahal, tiyak ko,
ngunit minahal ko siya nang totoo.
Nawa’y dalhin sa kanya ng hangin
ang aking mga hinaing.
Angkin ng iba. Siya ay magiging angkin ng iba.
Ang kayang mga halik, tinig, ang katawang
balingkitan, at mga titig na walang hanggan.
Hindi ko na siya mahal, tiyak ko, mahal pa rin
siguro. Mabilis ang umibig, mabagal ang lumimot.
‘Pagkat sa gabing ganito, siya ang aking nasa bisig.
Diwa ko ay hindi masumpungan sa kanyang paglisan.
Bagaman, baka ito na ang huling kirot na siya
ang may dulot, at huling tulang sa kanya hinubog
18-Setyembre-2013
…and I summoned all my courage to translate this legendary poem of Neruda. I hope he will not raise from the dead with my impertinence.
Orihinal na Akda:
Tonight I can write the saddest lines.
Write, for example, 'The night is starry and the stars are blue and shiver in the distance.'
The night wind revolves in the sky and sings.
Tonight I can write the saddest lines.
I loved her, and sometimes she loved me too.
Through nights like this one I held her in my arms.
I kissed her again and again under the endless sky.
She loved me, sometimes I loved her too.
How could one not have loved her great still eyes.
Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.
To hear the immense night, still more immense without her.
And the verse falls to the soul like dew to the pasture.
What does it matter that my love could not keep her.
The night is starry and she is not with me.
This is all. In the distance someone is singing. In the distance.
My soul is not satisfied that it has lost her.
My sight tries to find her as though to bring her closer.
My heart looks for her, and she is not with me.
The same night whitening the same trees.
We, of that time, are no longer the same.
I no longer love her, that's certain, but how I loved her.
My voice tried to find the wind to touch her hearing.
Another's. She will be another's. As she was before my kisses.
Her voice, her bright body. Her infinite eyes.
I no longer love her, that's certain, but maybe I love her.
Love is so short, forgetting is so long.
Because through nights like this one I held her in my arms
my soul is not satisfied that it has lost her.
Though this be the last pain that she makes me suffer
and these the last verses that I write for her.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na translation. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na translation. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Setyembre 18, 2013
Linggo, Agosto 28, 2011
Babala – Magsusuot Ako ng Lila Kung Ako Ay Lipas Na
BABALA – MAGSUSUOT AKO NG LILA KUNG AKO’Y LIPAS NA
ni Reya Bato
(Salin sa Warning - When I Am an Old Woman I Shall Wear Purple ni Jenny Joseph)
Magsusuot ako ng lila
kung ako ay lipas na
may ternong sumbrerong
pula na baduy sa panlasa.
Sustento ay sa kandila,
guwantes at serbesa
mapupunta, at sasabihing,
wala ng pera para sa mantikilya.
Uupo sa aspalto kung hapo,
sasabsabin ang mga patikim,
at ang mga alarma ay pipindutin,
ang baston ay sa barindilya
padadaanin , at aking babawiin
ang mga ginawang pagtitimpi
sa nakalipas na sandali.
Sa ulan ay lalabas nang walang
tsinelas, pipitas ng mga bulaklak
sa hardin ng may hardin
at ang pagdura ay papraktisin.
Maari na ring kalimutan ang diyeta
at lumulon ng tatlong librang
longganisa o buong linggong
kumain ng tinapay at atsara.
May rason na rin para mangolekta
ng bolpen, lapis, mani,
at anik-anik sa kahita.
Ngunit sa ngayon, kailangan
munang maging huwaran
sa mga kabataan, manamit
ng kapita-pitagan, at magbasa
ng pahayagan, magbayad ng renta
at hindi magmura at maghanda
ng salo-salo sa mga kakilala.
Ngunit nararapat yatang
ako ay magsanay na
nang hindi na magtaka ang iba
kapag ako ay lipas na at suot ay lila.
28th August 2011
Original Text:
Warning - When I Am an Old Woman I Shall Wear Purple
By Jenny Joseph
When I am an old woman, I shall wear purple
with a red hat that doesn't go, and doesn't suit me.
And I shall spend my pension on brandy and summer gloves
and satin candles, and say we've no money for butter.
I shall sit down on the pavement when I am tired
and gobble up samples in shops and press alarm bells
and run my stick along the public railings
and make up for the sobriety of my youth.
I shall go out in my slippers in the rain
and pick the flowers in other people's gardens
and learn to spit.
You can wear terrible shirts and grow more fat
and eat three pounds of sausages at a go
or only bread and pickles for a week
and hoard pens and pencils and beer nuts and things in boxes.
But now we must have clothes that keep us dry
and pay our rent and not swear in the street
and set a good example for the children.
We must have friends to dinner and read the papers.
But maybe I ought to practice a little now?
So people who know me are not too shocked and surprised
When suddenly I am old, and start to wear purple.
Mga etiketa:
aging,
Jenny Joseph poem,
old age,
salin,
translation
Huwebes, Disyembre 23, 2010
Gaano Kita Kamahal
Gaano Kita Kamahal?
(salin sa Sonnet 43: How Do I Love Thee
Elizabeth Barrett Browning)
ni Reya Bato
Gaano kita kamahal? Hayaan mong
ilahad ko ang mga paraan. Minamahal
kita sa lalim, lawak, at lawig
na kayang abutin ng kaluluwa,
kung ang kamalaya’y naglaho na
sa pagwawakas ng Pag-iral at minimithing
Pagpapala. Minamahal kita sa antas
ng pinakabanayad na pangangailangan
ng bawat araw, sa umaga ni sa gabi.
Minamahal kita nang malaya, tulad
ng pakikipagbatá sa Karapatan;
Minamahal kita nang dalisay gaya
ng pagbibigay puri sa Maykapal.
Minamahal kita kalakip ng sidhi
ng mga nakaraang pighati, kasama
ng aking mga pananamplataya sapul
nang pagkabata. Minamahal kita nang
may pag-ibig na tila aking naiwala,
minamahal kita sa bawat hininga, ngiti,
at luha! At kung Kanyang hihirangin,
ikaw ay lalo ko pang iibigin sa oras
na ang buhay ko ay pawiin.
22nd December 2010
Original Text
How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.
I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candlelight.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with the passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith.
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints,—I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life!—and, if God choose,
I shall but love thee better after death.
(salin sa Sonnet 43: How Do I Love Thee
Elizabeth Barrett Browning)
ni Reya Bato
Gaano kita kamahal? Hayaan mong
ilahad ko ang mga paraan. Minamahal
kita sa lalim, lawak, at lawig
na kayang abutin ng kaluluwa,
kung ang kamalaya’y naglaho na
sa pagwawakas ng Pag-iral at minimithing
Pagpapala. Minamahal kita sa antas
ng pinakabanayad na pangangailangan
ng bawat araw, sa umaga ni sa gabi.
Minamahal kita nang malaya, tulad
ng pakikipagbatá sa Karapatan;
Minamahal kita nang dalisay gaya
ng pagbibigay puri sa Maykapal.
Minamahal kita kalakip ng sidhi
ng mga nakaraang pighati, kasama
ng aking mga pananamplataya sapul
nang pagkabata. Minamahal kita nang
may pag-ibig na tila aking naiwala,
minamahal kita sa bawat hininga, ngiti,
at luha! At kung Kanyang hihirangin,
ikaw ay lalo ko pang iibigin sa oras
na ang buhay ko ay pawiin.
22nd December 2010
Original Text
How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.
I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candlelight.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with the passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith.
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints,—I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life!—and, if God choose,
I shall but love thee better after death.
Mga etiketa:
Elizabeth Barrett Browning,
How Do I Love Thee,
salin,
translation
Sabado, Mayo 8, 2010
Maligayang Pagdating
Maligayang Pagdating
ni Reya Bato
(salin sa Welcome Here ni Liam Wilkinson)
Ika-7 ng Mayo 2010
Pakinggan ang aking pagkasuklam
sa mga bersong lumitaw noong
gabing nagdaan. Hangad nila’y
mangkok ng aking pagkalugod
habang ginagawa nilang kubeta
ang pilas ng papel na inilabas ko
sa kanila. Hayaan ninyong
ibida ko ang alibadbad na
aking nadama sa magdamag
na pag-iiskoba ng duming naiwan
sa sala. Sa bawat singit-singit
ng mga palugit, may mga nakasingit
na hulagway at pagwawangis.
Dinggin ang aking pagdusta
sa aking mga bwisita, sa bahay
ko ay ni wala silang itinira
kundi ang umaalingawngaw
na aliw-iw at nakakaaliw na
mga salitain na animo’y alingasaw
na naiwan sa pahinang palikuran.
Orihinal na Teksto:
dito
ni Reya Bato
(salin sa Welcome Here ni Liam Wilkinson)
Ika-7 ng Mayo 2010
Pakinggan ang aking pagkasuklam
sa mga bersong lumitaw noong
gabing nagdaan. Hangad nila’y
mangkok ng aking pagkalugod
habang ginagawa nilang kubeta
ang pilas ng papel na inilabas ko
sa kanila. Hayaan ninyong
ibida ko ang alibadbad na
aking nadama sa magdamag
na pag-iiskoba ng duming naiwan
sa sala. Sa bawat singit-singit
ng mga palugit, may mga nakasingit
na hulagway at pagwawangis.
Dinggin ang aking pagdusta
sa aking mga bwisita, sa bahay
ko ay ni wala silang itinira
kundi ang umaalingawngaw
na aliw-iw at nakakaaliw na
mga salitain na animo’y alingasaw
na naiwan sa pahinang palikuran.
Orihinal na Teksto:
dito
Miyerkules, Pebrero 24, 2010
Ako ay Buhay sa mga Sandaling
Ako ay Buhay sa mga Sandaling
Salin ni Reya Bato
Ako ay buhay sa mga sandaling
kasiping ko ang kanyang katawan
na unti-unting nagkakamalay
at tuluyang ginigising ng pithaya
ng laman. Kinakagat ko ang kanyang
balikat hanggang sa maabot namin
ang halimuyak ng Tagsibol --
napakasidhi, napakalaki, iisa
sa makulay na sandali.
Kalugod-lugod na takot
ang naghahari sa paglilimayon
ng kanyang mga labi (at mula
sa pagitan ng kanyang mga hita
na kumikibot at humihingal,
isang nag-uumigpaw na ulan
ang dumidilig sa bulaklak
na sumasayaw sa bawat
kumpas ng aking balakang)
Orihinal na Teksto:
Sometimes I Am Alive Because With
by E.E. Cummings
Sometimes I am alive because with
me her alert treelike body sleeps
which I will feel slowly sharpening
becoming distinct with love slowly,
who in my shoulder sinks sweetly teeth
until we shall attain the Springsmelling
intense large together coloured instant
the moment pleasantly frightful
when, her mouth suddenly rising, wholly
begins with mine fiercely to fool
(and from my thighs which shrug and pant
a murdering rain leapingly reaches the upward singular deepest flower which she
carries in a gesture of her hips)
Salin ni Reya Bato
Ako ay buhay sa mga sandaling
kasiping ko ang kanyang katawan
na unti-unting nagkakamalay
at tuluyang ginigising ng pithaya
ng laman. Kinakagat ko ang kanyang
balikat hanggang sa maabot namin
ang halimuyak ng Tagsibol --
napakasidhi, napakalaki, iisa
sa makulay na sandali.
Kalugod-lugod na takot
ang naghahari sa paglilimayon
ng kanyang mga labi (at mula
sa pagitan ng kanyang mga hita
na kumikibot at humihingal,
isang nag-uumigpaw na ulan
ang dumidilig sa bulaklak
na sumasayaw sa bawat
kumpas ng aking balakang)
Orihinal na Teksto:
Sometimes I Am Alive Because With
by E.E. Cummings
Sometimes I am alive because with
me her alert treelike body sleeps
which I will feel slowly sharpening
becoming distinct with love slowly,
who in my shoulder sinks sweetly teeth
until we shall attain the Springsmelling
intense large together coloured instant
the moment pleasantly frightful
when, her mouth suddenly rising, wholly
begins with mine fiercely to fool
(and from my thighs which shrug and pant
a murdering rain leapingly reaches the upward singular deepest flower which she
carries in a gesture of her hips)
Sabado, Pebrero 13, 2010
Aking Pagsinta, Lilimutin Natin Siya!
Aking Pagsinta, Lilimutin Natin Siya!
(salin sa tula ni Emily Dickinson na Heart, We Will Forget Him!)
Aking pagsinta, lilimutin natin siya!
Ikaw at ako, ngayong gabing ito!
Lilimutin mo ang bigay niyang init
Aapulahin ko naman ang ningas niyang hatid.
Kung nangyari na, ipaalam mo sa akin
Upang ang aking alaala ay magdilim;
Dali! Ako ay nababahala na sa iyong pagkaantala,
Ako ay mangulila at alaala niya ay hindi mawala!
(orihinal na teksto)
Heart, we will forget him!
You and I, tonight!
You may forget the warmth he gave,
I will forget the light.
When you have done, pray tell me
That I my thoughts may dim;
Haste! lest while you're lagging.
I may remember him!
Sabado, Enero 16, 2010
Ako, na Ipinanganak na Babae at Nangangamba
Ako, na Ipinanganak na Babae at Nangangamba
(halaw sa I, Being Born a Woman and Distressed
ni Edna St. Vincent Millay)
Ako, na ipinanganak na babae at nangangamba
sa pangangailangan ng aking kauri at aming sapantaha,
ay nahikayat ng iyong kalapitan para makaunawa
sa karik’tan ng iyong pagkatao, at damhin ang pihong ligaya
habang nakapatong ang bigat mo sa akin katawan:
Napakarupok ng hininga ng buhay, nilaan
upang linawin ang tibok at guluhin ang isipan,
at iwan mo ulit akong kulang, sarili ay hindi kamtan.
Wag mong isipin, gayunman, ang abang kataksilan
ng aking mapusok na dugo laban sa aking tulirong isipan,
iisipin kita nang may pagmamahal, o kaya’y rekaduhan
ang aking pangungutya ng awa, -- hayaan
mong linawin ko ito sa katwirang:
Tanto kong ito ay kahibangan at alanganing dahilan
ng ating pag-uusap sa muli nating pag-uulayaw.
Orihinal na Teksto:
I, being born a woman and distressed
By all the needs and notions of my kind,
Am urged by your propinquity to find
Your person fair, and feel a certain zest
To bear your body's weight upon my breast:
So subtly is the fume of life, designed
To clarify the pulse and cloud the mind,
And leave me once again undone, possessed.
Think not for this, however, the poor treason
Of my stout blood against my staggering brain,
I shall remember you with love, or season
My scorn with pity, -- let me make it plain:
I find this frenzy insufficient reason
For conversation when we meet again.
Ako, na ipinanganak na babae at nangangamba
sa pangangailangan ng aking kauri at aming sapantaha,
ay nahikayat ng iyong kalapitan para makaunawa
sa karik’tan ng iyong pagkatao, at damhin ang pihong ligaya
habang nakapatong ang bigat mo sa akin katawan:
Napakarupok ng hininga ng buhay, nilaan
upang linawin ang tibok at guluhin ang isipan,
at iwan mo ulit akong kulang, sarili ay hindi kamtan.
Wag mong isipin, gayunman, ang abang kataksilan
ng aking mapusok na dugo laban sa aking tulirong isipan,
iisipin kita nang may pagmamahal, o kaya’y rekaduhan
ang aking pangungutya ng awa, -- hayaan
mong linawin ko ito sa katwirang:
Tanto kong ito ay kahibangan at alanganing dahilan
ng ating pag-uusap sa muli nating pag-uulayaw.
Orihinal na Teksto:
I, being born a woman and distressed
By all the needs and notions of my kind,
Am urged by your propinquity to find
Your person fair, and feel a certain zest
To bear your body's weight upon my breast:
So subtly is the fume of life, designed
To clarify the pulse and cloud the mind,
And leave me once again undone, possessed.
Think not for this, however, the poor treason
Of my stout blood against my staggering brain,
I shall remember you with love, or season
My scorn with pity, -- let me make it plain:
I find this frenzy insufficient reason
For conversation when we meet again.
Mga etiketa:
halaw,
illicit affair; other woman,
translation,
woman
Lunes, Oktubre 5, 2009
Dalamhati
Halaw sa 'Sorrow' ni Edna St. Vincent Millay
Tumatahip sa aking dibdib
ang sakit na walang patid
sa pagtangis. Ang mga tao
ay alumpihit at napapahiyaw
sa sakit, -- Sa pagdating
ng bukang-liwayway
sila’y matatagpuang walang
ingay ni galaw; hindi man lang
nadagdagan o ni nabawasan,
wala ring nasawata
ni nag-umpisa. Ang mga tao
ay gumagayak at sa bayan
ay nagpupunta; ako’y nakaupo
sa aking silya. Lahat ng alaala
ay mabagal at lanta: Tumayo
man o umupong muli
ay walang halaga, o kaya’y
anong gagamiting bestida
o panaping isusuot sa paa.
Tumatahip sa aking dibdib
ang sakit na walang patid
sa pagtangis. Ang mga tao
ay alumpihit at napapahiyaw
sa sakit, -- Sa pagdating
ng bukang-liwayway
sila’y matatagpuang walang
ingay ni galaw; hindi man lang
nadagdagan o ni nabawasan,
wala ring nasawata
ni nag-umpisa. Ang mga tao
ay gumagayak at sa bayan
ay nagpupunta; ako’y nakaupo
sa aking silya. Lahat ng alaala
ay mabagal at lanta: Tumayo
man o umupong muli
ay walang halaga, o kaya’y
anong gagamiting bestida
o panaping isusuot sa paa.
(Orihinal na Teksto)
Sorrow
Edna St. Vincent Millay
Sorrow like a ceaseless rain
Beats upon my heart.
People twist and scream in pain,—
Dawn will find them still again;
This has neither wax nor wane,
Neither stop nor start.
People dress and go to town;
I sit in my chair.
All my thoughts are slow and brown:
Standing up or sitting down
Little matters, or what gown
Or what shoes I wear.
Lunes, Setyembre 28, 2009
Halaw sa Lyric 17
Salin sa Lyric 17
ni Reya Bato
(Orihinal na Teksto)
"Lyric 17"
Jose Garcia Villa
First, a poem must be magical,
ni Reya Bato
(mula kay Jose Garcia Villa)
Una, ang tula ay mahika
At musika gaya ng ibong magdaya.
Ito ay gumagalaw na liwanag
At namumulaklak na ibong papalipad.
Ito ay payat tulad ng batingaw
At may apoy na tinataglay.
Ito ay may dunong ng búsog
At katulad ng rosas sa pagluhod.
May kakayahan itong pakinggan
Kinang ng kalapati at usa sa parang.
Kaya nitong takpan
Ang nakikita, kaparis ng nobya sa kasal.
Sa kabuuan ay nais kong lumutang
Ang Maykapal, tula’y buong liyag na masdan.
Una, ang tula ay mahika
At musika gaya ng ibong magdaya.
Ito ay gumagalaw na liwanag
At namumulaklak na ibong papalipad.
Ito ay payat tulad ng batingaw
At may apoy na tinataglay.
Ito ay may dunong ng búsog
At katulad ng rosas sa pagluhod.
May kakayahan itong pakinggan
Kinang ng kalapati at usa sa parang.
Kaya nitong takpan
Ang nakikita, kaparis ng nobya sa kasal.
Sa kabuuan ay nais kong lumutang
Ang Maykapal, tula’y buong liyag na masdan.
(Orihinal na Teksto)
"Lyric 17"
Jose Garcia Villa
First, a poem must be magical,
Then musical as a sea-gull.
It must be a brightness moving
And hold secret a bird's flowering
.It must be slender as a bell,
And it must hold fire as well.
It must have the wisdom of bows
And it must kneel like a rose.
It must be able to hear
The luminance of dove and deer.
It must be able to hide
What it seeks, like a bride.
And over all I would like to hover
God, smiling from the poem's cover.
Mga etiketa:
Jose Garcia Villa,
Lyric 17,
poem,
translation
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
