Kung Ako ay Lilimutin Mo
ni Reya Bato
(salin sa 'If You Forget Me' ni Pablo Neruda)
Para kay R...
Hayaan mong ulitin ko
ang bagay na
malaon mo nang alam:
ang aninang ng abuhing buwan,
ang makupad na pag-usad
ng dilim sa labas,
ang pagkatibag ng abo
sa tuwi kong paghipo
o ang gaspang ng kahoy
na nakagatong sa apoy,
lahat ng iyon ay tinatangay
ako sa iyo, animong ang lahat:
ang samyo, ang liwanag,
ang mga metal, ay maliliit
na bangkang naglalayag
patungo sa iyong malilit
na pulo. Ngunit kung
unti-unti ang pag-ibig
mo sa akin ay mapawi,
sa puso ko ay hindi
ka na rin lalagi.
Kung sa isang iglap
ako ay iyong malimot,
huwag mo na akong hanapin pa
sapagkat limot na rin kita.
Kung iyong biglang maisip
na sadyang nakakainip
at nakakasira ng bait
ang paghihintay sa pag-ikit
ng aking buhay papalapit
sa iyo at magpas’ya ka
na ako ay iwan mo
sa pampang na aking pinagmulan,
iyong tandaan, sa oras na iyon
ay dahan-dahan kong ibibitaw
ang aking mga kamay
at lalayo sa iyo. Ngunit kung
sa bawat sandali ay walang
alinlangan mong maramdaman
na ikaw ay sa akin laan,
kung sa bawat araw
ako ang sanhi ng ngiti sa
iyong mga labi, ah aking mahal,
walang mawawala ni mapapawi,
ang pag-ibig ko ay muli’t muling
magniningas, sa mga bisig mo ako
ay hindi aalpas hanggang ang
pagmamahal mo ay hindi kumukupas.
14th February 2011
Original Text:
I want you to know
one thing.
You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.
Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.
If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.
If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.
But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.
Lunes, Pebrero 14, 2011
Huwebes, Disyembre 23, 2010
Gaano Kita Kamahal
Gaano Kita Kamahal?
(salin sa Sonnet 43: How Do I Love Thee
Elizabeth Barrett Browning)
ni Reya Bato
Gaano kita kamahal? Hayaan mong
ilahad ko ang mga paraan. Minamahal
kita sa lalim, lawak, at lawig
na kayang abutin ng kaluluwa,
kung ang kamalaya’y naglaho na
sa pagwawakas ng Pag-iral at minimithing
Pagpapala. Minamahal kita sa antas
ng pinakabanayad na pangangailangan
ng bawat araw, sa umaga ni sa gabi.
Minamahal kita nang malaya, tulad
ng pakikipagbatá sa Karapatan;
Minamahal kita nang dalisay gaya
ng pagbibigay puri sa Maykapal.
Minamahal kita kalakip ng sidhi
ng mga nakaraang pighati, kasama
ng aking mga pananamplataya sapul
nang pagkabata. Minamahal kita nang
may pag-ibig na tila aking naiwala,
minamahal kita sa bawat hininga, ngiti,
at luha! At kung Kanyang hihirangin,
ikaw ay lalo ko pang iibigin sa oras
na ang buhay ko ay pawiin.
22nd December 2010
Original Text
How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.
I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candlelight.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with the passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith.
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints,—I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life!—and, if God choose,
I shall but love thee better after death.

Mga etiketa:
Elizabeth Barrett Browning,
How Do I Love Thee,
salin,
translation
Linggo, Setyembre 26, 2010
Tonight I can write uncertain lines. Write for example,
Tonight I can write uncertain lines. Write for example,
by Reya Bato
Under the gray sky
that is about to cry,
the lady
--whose heart
is rumbled
with thunder
and is ripped
by lightning--
hurries by
to keep herself dry. #
24th September 2010
by Reya Bato
Under the gray sky
that is about to cry,
the lady
--whose heart
is rumbled
with thunder
and is ripped
by lightning--
hurries by
to keep herself dry. #
24th September 2010
Sabado, Agosto 28, 2010
A Prose Poetry: Mga Bagay na Hinahangad
A Prose Poetry: Mga Bagay na Hinahangad (salin sa Desiderata)
ni Reya Bato
Ika-25 ng Agosto 2010; 9:52 pm
Mamuhay nang payapa sa gitna ng ingay at pagiging abala. Tandaan: May kapayapaan sa katahimikan. Hangga’t maaari, ipamalagi ang mabuting samahan sa sangkatauhan.
Ipahayag ang katotohanan nang payapa at malinaw; pakinggan ang iba, maging ang mapurol at mangmang ay may istorya. Mangilag sa taong maingay at palaaway. Pagkayamot ng kaluluwa ang dulot nila.
Huwag ihambing ang sarili sa iba, hatid nito ay yabang at pagdaramdam; pagka’t sa tuwina, may makakasalamuha kang mas mababa sa iyo o mas hihigit pa.
Ikalugod ang mga natamong tagumpay at mga nabuong plano. Manatiling interesado sa iyong trabaho, gaano man kababa; ito ay pag-aaring mananatili sa pabago-bagong pag-inog ng palad ng panahon.
Maging listo sa usaping pangnegosyo, sapagkat ang mundo ay puno ng panloloko. Ngunit huwag hayaan takpan nito ang mata mo sa kabutihan; maraming tao ang nagsisikap upang maging dakilang huwaran at kahit saanman ang buhay ay lipos ng kabayanihan.
Magpakatotoo. Huwag magkunwa ng pagsinta. Ni huwag maging mapang-uyam sa pagmamahal, pagka’t sa mukha ng pagkatigang at kabiguan, ito ay wangis ng damong nagtatagal. Unawain ang aral ng mga araw, madingal na ipahinuhod ang sigla ng kabataan.
Patatagin ang kalooban upang sa pagdating ng kasawian ito ang iyong magiging matibay na pananggalang. Iwasang mabagabag ng madidilim na sapantaha. Karamihan sa pangamba ay nagmumula sa kalungkutan at pagkapatâ.
Sa kabila ng kapaki-pakinabang na disiplina, maging mapagbigay sa iyong sarili. Ikaw ay anak ng santinakpan. Kaparis ng mga puno at mga bituin; ikaw din ay may karapatang mamalagi. Malinaw man sa iyo o hindi, walang alinlangang na ang santinakpan ay namumukadkad ayon sa nakasaad.
Kaya’t maging payapa sa piling ng Maykapal, sinuman Siya sa iyong kamalayan. Anuman ang iyong pagbabatâ at pagnanasa, maging sa ingay ng kaguluhan, ipanatili ang kapayaan sa iyong buhay. Sa gitna ng panlilinlang, pagkapagal, at mga nasirang mithiin, ang ating daigdig ay kaibig-ibig pa rin.
Magalak. Magsumikap maging masaya.#
Orihinal na Teksto:
Desiderata by Max Ehrmann
Go placidly amid the noise and haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible without surrender
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even the dull and the ignorant;
they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons,
they are vexations to the spirit.
If you compare yourself with others,
you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs;
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of heroism.
Be yourself.
Especially, do not feign affection.
Neither be cynical about love;
for in the face of all aridity and disenchantment
it is as perennial as the grass.
Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.
You are a child of the universe,
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.
Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be,
and whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life keep peace with your soul.
With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful.
Strive to be happy.

prose poetry; desiderata; salin; translation
Linggo, Agosto 8, 2010
Ang Isda (Halaw sa The Fish ni Elizabeth Bishop)
Ang Isda (Halaw sa The Fish ni Elizabeth Bishop)
ni Reya Bato
Ika-7 ng Agosto 2010
03:47 PM
Mula buntot hanggang ulo
nakadikit ang mahahaba’t
makikitid na piraso
ng kanyang kayumangging
katad, katulad
ng lipas na pilas
ng papel na pandingding,
ang dibuho sa papel
ay kulay San Antonio:
hugis ng madungis na rosas
na namumukadkad, makupad
na pinapawi ng mahabang
sandali. May batik-batik
na mga taliptip, pinong
sabog-sabog na apog,
at pinamumugaran
ng maliliit at puting
kutong-dagat.
May gayak pa itong
dalawa o tatlong
luntiang trapo ng damo.
Excerpt from “The Fish” by Elizabeth Bishop
… Here and there
his brown skin hung in strips
like ancient wallpaper,
and its pattern of darker brown
was like wallpaper:
shapes like full-blown roses
stained and lost through age.
He was speckled with barnacles,
fine rosettes of lime,
and infested
with tiny white sea-lice,
and underneath two or three
rags of green weed hung down…

Linggo, Hulyo 25, 2010
Elpis

Elpis*
by Reya Bato
25th July 2010
3:55 pm
Elpis rose and took a peep
when he saw me roused from
my sleep, he tagged along
when I left my bed and spied
as I toasted my bread, he took
a seat as I read the broadsheet,
and drove with me to the office,
he trailed along as I accomplished
all my duties and responsibilities,
bumping and scuffing as he went
after my track, whispering wishes,
plans, and dreams, offering positive
thinking or prolonging my suffering.
As the day progressed, he was sorely
wounded. The condition remained
unchanged, the universe did not
conspire to acquire the heart's
desire. At the end of the day,
Elpis passed away. Tomorrow,
he would revive again with promises
to rejuvenate my wishes or lies
to conceal the truth that I despise.
*Elpis personifies hope in Greek mythology.
Biyernes, Hulyo 16, 2010
Kwentong Barbero
Kwentong Barbero
(salin sa tula ni Russell Edson)
ni Reya Bato
Hala, ang sabi ng barbero
nang magupit ang tenga ng isang parokyano.
Sa lugon ng buhok ito lumagpak
para tuloy itong sanggol na bagong panganak.
Mabuting tenga ito tiyak
bumagsak nang walang kapugak-pugak
Hindi, sabi ng parokyano,
matutuli ito masyado
Sinubukan ko minsang maglagay ng mitsa
nang makapakinig naman ako ng musika
ngunit nang ito’y sindihan ko na
ulo, singit at kilikili ko ay nasunog
sumiklab pa ang apoy sa magubat na kanunog
pakiramdan ko tuloy isa akong santo
akala naman ng iba ako’y isang henyo.
Sabi ng barbero, buti na lang at nakalusot ako
ngunit di kita mapapauwi na iisa ang tenga
labag ito sa batas ng simetria
kailangan kong tanggalin ang isa pa
pero huwag kang mag-alala
ito rin ay isang disgrasya.
Siguraduhin mong ito’y di mo sinadya
ayokong magupit mo ako nang kusa
baka lalamunan mo ay malaslas kong bigla
pero sisiguraduhin ko ring hindi ko iyon tangka. #
Para sa orihinal na teksto, pakiclick ito.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)