Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Sabado, Agosto 28, 2010

A Prose Poetry: Mga Bagay na Hinahangad

A Prose Poetry: Mga Bagay na Hinahangad (salin sa Desiderata)


ni Reya Bato

Ika-25 ng Agosto 2010; 9:52 pm



Mamuhay nang payapa sa gitna ng ingay at pagiging abala. Tandaan: May kapayapaan sa katahimikan. Hangga’t maaari, ipamalagi ang mabuting samahan sa sangkatauhan.

Ipahayag ang katotohanan nang payapa at malinaw; pakinggan ang iba, maging ang mapurol at mangmang ay may istorya. Mangilag sa taong maingay at palaaway. Pagkayamot ng kaluluwa ang dulot nila.

Huwag ihambing ang sarili sa iba, hatid nito ay yabang at pagdaramdam; pagka’t sa tuwina, may makakasalamuha kang mas mababa sa iyo o mas hihigit pa.

Ikalugod ang mga natamong tagumpay at mga nabuong plano. Manatiling interesado sa iyong trabaho, gaano man kababa; ito ay pag-aaring mananatili sa pabago-bagong pag-inog ng palad ng panahon.

Maging listo sa usaping pangnegosyo, sapagkat ang mundo ay puno ng panloloko. Ngunit huwag hayaan takpan nito ang mata mo sa kabutihan; maraming tao ang nagsisikap upang maging dakilang huwaran at kahit saanman ang buhay ay lipos ng kabayanihan.

Magpakatotoo. Huwag magkunwa ng pagsinta. Ni huwag maging mapang-uyam sa pagmamahal, pagka’t sa mukha ng pagkatigang at kabiguan, ito ay wangis ng damong nagtatagal. Unawain ang aral ng mga araw, madingal na ipahinuhod ang sigla ng kabataan.

Patatagin ang kalooban upang sa pagdating ng kasawian ito ang iyong magiging matibay na pananggalang. Iwasang mabagabag ng madidilim na sapantaha. Karamihan sa pangamba ay nagmumula sa kalungkutan at pagkapatâ.

Sa kabila ng kapaki-pakinabang na disiplina, maging mapagbigay sa iyong sarili. Ikaw ay anak ng santinakpan. Kaparis ng mga puno at mga bituin; ikaw din ay may karapatang mamalagi. Malinaw man sa iyo o hindi, walang alinlangang na ang santinakpan ay namumukadkad ayon sa nakasaad.

Kaya’t maging payapa sa piling ng Maykapal, sinuman Siya sa iyong kamalayan. Anuman ang iyong pagbabatâ at pagnanasa, maging sa ingay ng kaguluhan, ipanatili ang kapayaan sa iyong buhay. Sa gitna ng panlilinlang, pagkapagal, at mga nasirang mithiin, ang ating daigdig ay kaibig-ibig pa rin.

Magalak. Magsumikap maging masaya.#


Orihinal na Teksto:

Desiderata by Max Ehrmann


Go placidly amid the noise and haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible without surrender
be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly;
and listen to others,
even the dull and the ignorant;
they too have their story.


Avoid loud and aggressive persons,
they are vexations to the spirit.
If you compare yourself with others,
you may become vain and bitter;
for always there will be greater and lesser persons than yourself.
Enjoy your achievements as well as your plans.


Keep interested in your own career, however humble;
it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs;
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is;
many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of heroism.


Be yourself.
Especially, do not feign affection.
Neither be cynical about love;
for in the face of all aridity and disenchantment
it is as perennial as the grass.


Take kindly the counsel of the years,
gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune.
But do not distress yourself with dark imaginings.
Many fears are born of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline,
be gentle with yourself.


You are a child of the universe,
no less than the trees and the stars;
you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
no doubt the universe is unfolding as it should.


Therefore be at peace with God,
whatever you conceive Him to be,
and whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life keep peace with your soul.


With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be cheerful.
Strive to be happy.

Linggo, Agosto 8, 2010

Ang Isda (Halaw sa The Fish ni Elizabeth Bishop)

Ang Isda (Halaw sa The Fish ni Elizabeth Bishop)
ni Reya Bato


Ika-7 ng Agosto 2010
03:47 PM


Mula buntot hanggang ulo
nakadikit ang mahahaba’t
makikitid na piraso
ng kanyang kayumangging
katad, katulad
ng lipas na pilas
ng papel na pandingding,
ang dibuho sa papel
ay kulay San Antonio:
hugis ng madungis na rosas
na namumukadkad, makupad
na pinapawi ng mahabang
sandali. May batik-batik
na mga taliptip, pinong
sabog-sabog na apog,
at pinamumugaran
ng maliliit at puting
kutong-dagat.
May gayak pa itong
dalawa o tatlong
luntiang trapo ng damo.


Excerpt from “The Fish” by Elizabeth Bishop

… Here and there
his brown skin hung in strips
like ancient wallpaper,
and its pattern of darker brown
was like wallpaper:
shapes like full-blown roses
stained and lost through age.
He was speckled with barnacles,
fine rosettes of lime,
and infested
with tiny white sea-lice,
and underneath two or three
rags of green weed hung down…