Miyerkules, Disyembre 23, 2009

Commercial Break (Part 2)

I shut my eyes and pressed my thumb on my temple. I was tempted to shout at the top of my voice or bang my fist on the table, kick the trash bin beside my left foot, and hurl the pile of papers in front of me.

The phone rang.

“Hello! Blah, blah, blah, blah office, good morning!” The way I greeted the person on the other line astonished me. There was no hint of annoyance in it.

“I can still be courteous even I am raging with anger,” I thought.

The owner of the voice on the other line was jovial. It drowned my ranging anger.

He wanted to speak to Mr. Blah-blah. Mr. Blah-blah made a sign that he could not take the call.

“Mr. Blah-blah can’t come to the phone now. May I have your name and number. He will call you back as soon as possible.” I replied.

I jotted down his name and number then said goodbye. When I put down the receiver, Mr. Blah-blah called me to give another set of paperwork. I did not stir on my seat.

I had an urge to shout at the top of my voice again.

I bowed down my head, shut my eyes, and pressed my thumb on my temple.

Mr. Blah-blah called me again to hand the paperwork. I lifted my head, tried to smile, walked towards him, and extended my right hand to get the other set of papers.

I took a deep breath before burying myself to work.

“These papers are a relief anyway”, I thought, “I can forget everything once I am occupied with them.”


(Yup, folks, I'm changing my genre. I am writing prose now. I tried to write poetry these past days but to no avail. The muse of my poetry escaped again. Actually, I chose three poems that I will translate or adapt in Filipino but... I couldn't find any drive to write a new poem. So, enjoy my very first short story.)

Lunes, Oktubre 5, 2009

Dalamhati



Halaw sa 'Sorrow' ni Edna St. Vincent Millay

Tumatahip sa aking dibdib
ang sakit na walang patid
sa pagtangis. Ang mga tao
ay alumpihit at napapahiyaw
sa sakit, -- Sa pagdating

ng bukang-liwayway
sila’y matatagpuang walang
ingay ni galaw; hindi man lang
nadagdagan o ni nabawasan,
wala ring nasawata

ni nag-umpisa. Ang mga tao
ay gumagayak at sa bayan
ay nagpupunta; ako’y nakaupo
sa aking silya. Lahat ng alaala
ay mabagal at lanta: Tumayo

man o umupong muli
ay walang halaga, o kaya’y
anong gagamiting bestida
o panaping isusuot sa paa.





(Orihinal na Teksto)
Sorrow
Edna St. Vincent Millay


Sorrow like a ceaseless rain
Beats upon my heart.
People twist and scream in pain,—
Dawn will find them still again;
This has neither wax nor wane,
Neither stop nor start.

People dress and go to town;
I sit in my chair.
All my thoughts are slow and brown:
Standing up or sitting down
Little matters, or what gown
Or what shoes I wear.

Lunes, Setyembre 28, 2009

Halaw sa Lyric 17

Salin sa Lyric 17
ni Reya Bato

(mula kay Jose Garcia Villa)

Una, ang tula ay mahika
At musika gaya ng ibong magdaya.
Ito ay gumagalaw na liwanag
At namumulaklak na ibong papalipad.
Ito ay payat tulad ng batingaw
At may apoy na tinataglay.
Ito ay may dunong ng bĂșsog
At katulad ng rosas sa pagluhod.
May kakayahan itong pakinggan
Kinang ng kalapati at usa sa parang.
Kaya nitong takpan
Ang nakikita, kaparis ng nobya sa kasal.
Sa kabuuan ay nais kong lumutang
Ang Maykapal, tula’y buong liyag na masdan.


(Orihinal na Teksto)

"Lyric 17"
Jose Garcia Villa

First, a poem must be magical,
Then musical as a sea-gull.
It must be a brightness moving
And hold secret a bird's flowering
.It must be slender as a bell,
And it must hold fire as well.
It must have the wisdom of bows
And it must kneel like a rose.
It must be able to hear
The luminance of dove and deer.
It must be able to hide
What it seeks, like a bride.
And over all I would like to hover
God, smiling from the poem's cover.

Sabado, Setyembre 26, 2009

To A Son Who's Learning to Play Chess


Son,


Every piece has different move to take:
(Pawns advance one step
Rooks march straight
Knights dash in L-shape
Bishops glide through diagonal lanes
And the queen parades on all quarters.)
but all move to capture the enemy
and to guard king’s safety.


Your every move has an outcome
don’t rouse your pieces without a plan
make them work together to trap your rival.
Predict the movements of your enemy
maximise all the possibilities
then be ready to strike.
You must also know how to sacrifice
the little pieces to fortify your next attack.


Play smart and play hard
make the right moves
and keep this in mind:
you'll lose the game
once your king is trapped.


It is checkmate!

Miyerkules, Setyembre 2, 2009

Leaf


The leaf,
Catching
The rays
Of the sun,
Dances
To the melody
Of the wind –
Seizing
Each delightful moment –
Until
It snaps off its twig.
Decay.

Miyerkules, Agosto 26, 2009

Maligno




Maraming misteryo
ang bumabalot sa gobyerno.
Ano bang mga maligno
ang nananahan dito?

May mga malignong ‘di matahimik
hanggang ‘di naisasalin ang taglay na bagsik;
Sa eleksyon dapat manalo ang anak o kapatid.
Sila ang tinatawag na mga Amalanhig.

Marami ring namamahay na Aswang
Asal tao sa harap ng sambayanan
Hayok na halimaw pala sa kasakiman
Pumapatay sa bayang walang malay.

May mga mapaglaro ring Duwende
Sila ang nagdadala ng malas o suwerte
depende sa laman ng bigay na sobre
o sa halagang nakasulat sa tseke.

Meron ding magaling manlinlang
Bayan ay nililigaw sa katotohanan
Ginagawang mangmang ang mamamayan
Sila ang mga tusong Tikbalang.

Mga kababayan, hindi sila tinatablan
ng bawang, bulong, o pagbaliktad ng kasuotan.
Ang panlaban natin ay nagkakaisang mamamayan
Handang maglingkod nang tapat sa bayan.

Miyerkules, Agosto 19, 2009

Warm Up



Sa loob ng aking isipan,
may nagkalat na talaguhitan:
Umabot ba ang kita sa tudlaan?

Nahawi ang mga linya
sa paglabas ni Lady Gaga
na sumusunod sa kanyang sinisinta.

Di pa man nakakahabol ang babae
kinain na siya ng gutom na presidente
na ngumangasab pa ng mga mahal na putahe.

Habang ngumunguya ang pangahas
si Orlando ay biglang lumabas.
Bakit paggising niya, isa na siyang dilag?

Sa bawat kisap, nagbago ang imahe sa aking utak
nagliwaliw, sumirko-sirko at nagpakalat-kalat.
Ang aking utak ay parang mawawasak!

KA-BLAAAAAMMMM!!!

Sumabog nga ito na parang bomba
Tumilapon ang bawat linya
Napakanta ng Starstruck si Lady Gaga

Kumalat ang mga putahe ng presidente
Napatili si Orlado na ngayo’y isa ng babae
Nagcartwheel ang mga pasaway na imahe.

Nagtakbuhan silang pakalat-kalat
Iniwan akong wasak ang utak
Umaagos ang membrane, cells, dugo, at ugat.

Linggo, Hunyo 21, 2009

Tanaga


(Tanaga para kay Reya)

Kay tahimik ng gabi,

Ang isang binibini

ay sumubok humabi

letra sa tabi-tabi:


(Tanaga na nagbibigay aral)

Mag-ipon sa'yong gusi

Nang ika'y may mahasi.

Pagdating ng tagbisi*

ay 'di ka magsisisi.

*tagbisi - tagtuyot


(Tanaga tungkol sa pananampalataya)

Ang taong bukas-palad

Ay madaling umunlad

Kamay ay nakalahad

Sa biyaya N'yang gawad.


(Tanaga tungkol sa kalikasan)

Sa tikatik na ambon

Umaawit ang dahon,

Sumisilong ang ibon,

Sumasayaw ang alon.


(Tanaga tungkol sa bayan)

'Pag palasyo'y pinasok

Ng buwayang niluklok

Sistema'y mabubulok

Baya'y maghihimutok.


Panawagan kay Ginang Justitia


O, Aleng may tangan

ng timbangan ng katarungan,

pagkiling ng 'yong sukatan

ay huwag mong pahintulutan.


Ebidensya'y matiyagang apuhapin,

Buong sikap na siyasatin,

At saka maingat na timbangin.

Ang nagkasala ang siya mong usigin.


Itarak ang hawak na espada

sa taong puno ng lisya.

Tagpasin ang kasamaang taglay niya

nang 'di na makapaminsala pa.


O, Ginang Justitia,

ikaw na nakapiring ang mga mata,

huwag kang magpa-impluwensya

sa yaman at kapangyarihan nilang nagkasala.


Huwag din naman sana

sa timbanga'y magkamali ka ng basa

o maitarak sa walang sala

ang talim ng 'yong espada.


Ink Blot: Para sa mga Manunulat


Manunulat, huwag mong pahihintulutan

sa leeg ng panulat mo’y may sumakal.

Tinta’y ‘di makadadaloy nang maalwan

na magiging sanhi ng kanyang kamatayan.


Huwag na huwag mo ring papayagan

sa puso ng panulat mo’y may sumakmal.

Dadanak ang tinta, aagos sa kawalan

masasayang ang dulot niyang kabuluhan.


Lalong huwag mong pababayaan

maruming kamay sa papel mo’y dumangkal.

Kaputian niyang taglay ay madudungisan

kaya basurahan ang kanyang babagsakan.


Kapag nangyari ang kinatatakutan,

walang matitira sa iyo kinabukasan

kundi isang madilim na kahungkagan.

Itim na tintang kikilapol sa’yong pangalan.

Sabado, Hunyo 20, 2009

Manong Tsuper ng Traysikel


Manong Tsuper ng Traysikel


Ito ang kwento ng isang damsel

na sumakay ng traysikel:


Minsan may pumarang damsel

na may dalang mabigat na bundle

kay Manong Tsuper ng Traysikel.


"Manong, d'yan lang po sa may chapel,"

ani damsel, "magtitirik lang po ng candle."


"Brrrrrroooooommmmm!" ang brattle ng makina ng traysikel

habang umiikot ang wheel at axle.


Hindi pa nakakalayo ang kanilang travel

nang "Prrrrrrrrrtttttttt!" ang tunong ng whistle.

Pinahinto ng pulis si Manong Tsuper ng Traysikel.


"Asa'n ang lagay mong nickle?"

pangongotong ng pulis na sobrang cruel.

Para maiwasan ang quarrel at hassle,

binawasan ng kawawang tsuper ng traysikel

ang kinita niyang nickle.


Pagkatapos ng scene sa pulis na sobrang cruel,

tumuloy na ang damsel sa kanyang pagtatravel.


Biglang bumuhos ang drizzle

at nagpawobble-wobble ang traysikel.


Lumusot ang gulong sa mga puddles

kaya kailangang humawak nang mabuti sa handle.


"Saan na ba napunta ang pondong pambili ng gravel?"

bulong ni Manong Tsuper ng Traysikel.


Huminto ang drizzle,

nagpatuloy ang kanilang travel.


Pagkatapos ng lahat ng hassle,

dumating din sila sa chapel in fine fettle.


"Magdarasal na rin ako at magtitirik ng candle,"

sabi ni Manong Tsuper ng Traysikel.


Sa loob ng chapel,

buong taimtim na nagdasal si Manong Tsuper ng Traysikel:


"Diyos ko, wag namang tumaas pa

ang presyo ng isang barrel ng diesel.

Dahil kung tataas pa,

sa sobrang little ng kinikita kong nickle

ang maipapakain ko sa pamilya ko ay puro na lang noodles."


Ang dasal naman ni damsel:

"Pakinggan N'yo po sana ang dasal

ni Manong Tsuper ng Traysikel.

Tapat siyang nagbabanat ng muscle

sa kabila ng kita niyang very little.


Haikus

The snail slowly draws

Long winding silver ribbons

On the green carpet

Pilak na laso

Ginuguhit sa damo

Ng susong pintor

Like a captive soul

Escaping from dark dungeon:

Sun rose in splendor

Kumawala na

Sa kulimlim na rehas

Ang haring araw

Under the moonlight

One by one the petals fall;

She’s plucking a rose

Sa sinag ng buwan

Ang sumisintang dilag

Hawak ay rosas

The sky is so bright

White clouds were crossing gaily---

They’d just been set free

Sa puting langit

Gumagapang ang ulap

Nang buong laya

Earth is painted black

The sky is adorned with stars---

Mysterious twilight

Mundong kay dilim

Bitui’y dumarating---

Takipsilim na!

Ink Blot



Ayoko na magsulat, sinakal mo kasi ang aking panulat nang mahawakan mo ang kanyang leeg. Hindi tuloy malayang nakadaloy ang tinta niya. Naghihingalo na siya pero hindi ka pa rin bumitaw sa pagkakasakal sa kanya.


Ayoko na magsulat, bigla kasing bumuhos ang ulan nang mapatid ang kanyang paghinga. Nabasa tuloy ang sulatan ko at kumilapol ang tintang kanina lang ay maingat niyang iniluluwa nang ako pa ang may hawak sa kanya.


Ayoko na magsulat, lumabo na kasi at dumumi ang aking sulatan at patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.


Ayoko na magsulat dahil pagkatapos ng lahat, alam kong wala nang matitira sa akin kung hindi ang kahungkagan sa aking harapan na kasing itim ng tintang kumalat sa aking sulatan.


Miyerkules, Hunyo 17, 2009

Diamante






Capitalist


Wealthy, Greedy


Dictating, Deceiving, Devouring


Manipulation, Iniquity, Unity, Revolution


Struggling, Striving, Starving


Enslaved, Oppressed


Worker




Diamond Poem - developed by Iris Tiedt; a poem in shape of a diamond.

Repleksyon





Pilipinong may sikmurang laging kumakalam

ay ang nakasusuklam na imahe ng mga

repleksyong pilit na tinatalikuran

ng tiwali sa pamahalaan. Ang

bayang pinagsisilbihan

ay mukha ng

Kahirapan

.

Kahirapan

ay mukha ng

bayang pinagsisilbihan

ng tiwali sa pamahalaan. Ang

repleksyong pilit na tinatalikuran

ay ang nakasusuklam na imahe ng mga

Pilipinong may sikmurang laging kumakalam





Reverie Syrup






Usage and Dosage:


To soothe the fever of the brain at worry,

take a spoonful syrup of sweet reverie.

Use this narcotic in discreet doses only.

It dulls the sharp corners of one’s memory

then produces a soft, fresh vapor of liberty.


Warning and Precautions:

Take the syrup in every scheduled hour.

Do not exceed the given dose.

Too much reverie submerges and drowns.

In case of an accidental overdose,

immediately seek the help of reality.


Mga Sangkap:

1 tasang pinira-pirasong masasayang alaala ng nakaraan

2 kilong mithiin sa buhay (pinagtagni-tagni)

5 malalaking hiwa ng pangarap sa buhay

3 tasang tiwala sa masaganang kinabukasan

1 litrong tubig ng pagkalimot sa problema

7 patak ng inspirasyon

2 kutsaritang katahimikan

7 kutsarang dasal (pwedeng dagdagan kung kulang pa sa panlasa)


Paraan:


Siguraduhing piniling mabuti ang mga pinira-pirasong masasayang alaala ng nakaraan. Huwag hayaang mahaluan ito ng malulungkot na alaala. Ihalo ang 2 kilong mithiin sa buhay at ang 5 malalaking hiwa ng pangarap. Haluin mabuti. Ilagay ang 3 tasang tiwala sa masaganang kinabukasan.


Ihulog ang mga pinaghalo-halong sangkap sa kumukulong isang litro ng tubig ng pagkalimot sa problema. Pakuluan ng isang oras.


Ihalo ang 7 patak ng inspirasyon at ibudbod ang 2 kutsarang katahimikan. Patamisin ng 7 kutsarang dasal (dagdagan kung kulang pa sa tamis).


Pakuluin hanggang sa lumapot ang sabaw.


Palamigin.





Meron ka ng REVERIE SYRUP!!!





Brain Cell



A part of me is a death trap

In every tick of the clock,

Millions are put to their final stop.

Inside my mind,

...there's a silent genocide.



Huwebes, Hunyo 11, 2009

Pilipino, Tunay ka bang Malaya?











***

***

***

Walang umento sa sahod ng mga obrero

Milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho

Naragdagan ang presyo ng produktong petrolyo

Lumiit ang pondo ng panlipunang serbisyo


(Pilipino, ikaw ba ay tunay na malaya,

sa kahirapan ba'y tuluyan nang nakawala?)


Lumalabang manggagawa ay biglang nawala

Silang tumuligsa'y pinaslang nang walang awa

Binusalan ang bibig ng mga lider-masa

Hindi pinakinggan daing nilang nagdurusa


(Pilipino, nakamit mo ba ang kalayaan,

wala bang sumusupil sa iyong karapatan?)


Upang manatili sa hawak niyang posisyon,

tusong pangulo ay nakakita ng solusyon:

"Isulong ang pagpapalit sa 'ting konstitusyon

nang ang pamumunong muli'y hindi na makwest'yon!"


(Pilipino, ang kalayaan mo ba ay wagas,

ngayong ang pangulo'y niluluto na ang CON ASS?)



Miyerkules, Hunyo 10, 2009

The Masquerade


Act One

The curtain opens

Audience releases a sigh of excitement

Act Two

Hypocritos steps on the stage.

Audience clasps his hands in wait

Act Three

Audience asks to laugh.

Hypocritos wears a large grinning mask

After quoting his comedy lines,

Audience roars and laughs.

Act Four

Audience demands to cry.

Hypocritos grabs a frowning mask and howls

In the middle of some tragic lines,

Audience moans and weeps.

Last Act

The curtain falls.

Audience claps.

Hypocritos sighs.

Curtain Call

Audience goes,

Finds another masquerade to laugh and to cry.

Hypocritos takes off files of mask,

Then wears his one true disguise.

Takatak Boy


Takatakatakatak!

Ang lagatak ng kahong hawak-hawak

laman ay yosi at kending sangkatutak.

Ialok sa lahat nang may buong galak.


Takatakatakatak!

Tatak ng tunong na humahatak

upang may barya namang pumatak

sa loob ng kahong putak nang putak.


Takatakatakatak!

Palakpak ng kahong pumapalatak

kapit ng bisig na sa pawis ay tagaktak

sa gitna ng kalye, ang init ay sumusulak.


Takatakatakatak!

Iyak ng kanina pang talak nang talak.

Bumili na ang lahat ng may balak

pampasak sa sikmurang nagnanaknak.


Takatakatakatak!

Ibigay na ang inyong baryang latak

upang ang hamak na kahon ay humalakhak

at makapagpahinga na, sa gilid ay sumalampak.



Tribute to Bolo


Protection of the valiant, servant to the tyrant

Tool of the peasant, badge for the gallant.

Then there’s a popular adage of a savant:

“Contend with a pen and it will be blunt.”


There’s a ‘haras’ for cutting tall grass

‘Kutsilyo’ made from a bright brass

‘Garab’ is a tool for harvesting rice

‘Sundang’ is the best device to slice


But bless the sword ‘bolo’

Grasped by Gat Andres Bonifacio

It brought a sudden deathblow

To those who caused us great sorrow.


With every thrust, the tyranny was crushed

The Filipino warriors that they tried to hush

Were suddenly fighting in an unexpected gush

Holding their bolo while glaring their tush.


It will always be known in our history

The sword that fought bravely for our liberty

Against the pistol of the Spanish army

May its luster shine forever brightly!


Huwebes, Hunyo 4, 2009

Hymn to Hypnos


I call upon you, oh god Hypnos

Bring me to your palace in Erebos

Run away with me from all the chaos

Lay me down on your doss.



Let my eyelids droop under my brows

Sing your lullabies until I drowse

Keep me away from all the soughs

And those things that can make me rouse.



Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...



(I’m asleep, don’t wake me up

I’m now in the garden full of hyssop

Only when peace shows up

Is the time that I will get up...)



Tribute to Fire

In a story of a long time ago

god Prometheus stole a dancing glow

of bright red, orange, and yellow

a spring where strong passion and energy flow.


So magical yet so dangerous

What are you holding, O god Prometheus?


So hot and so dry

A Dancing Spirit on high

Touch it? Don’t give it a try

or else it will give you a painful cry.


O, Fire…


A Dancing Spirit of bright yellow, orange, and red

People stand before you in dread

Your hunger must constantly fed

So your warmth will continuously spread.


O, Fire…


A Spirit of Light

In the darkness of the night

Make this place so bright tonight

Be our shining knight.


O, Fire…


A Spirit of Passion

Give us your protection

Not our destruction

Don’t lick your tongue on our possession.



Tribute to Mirror


Vain Narcissus sat by the dark, still pool

Just to take a glimpse on that face. Oh so beautiful!

You made him fall in love with himself, he’s really a fool.

You killed him. Oh how can you be so cruel!


You make your model be more self-aware

You reflect their soul and make it bare

You cannot lie and you will not dare

Even it hurts, you do not care!


These are the fallacies that people need to attend:

We must not break you. It is a bad omen!

We must cover you if there’s a wake being tend

So you will not steal the soul of our departed.


Witches and wizards use you to recite their spells

Vampires don’t stare at you, wise people tell

Children meet you holding some candles

Calling the soul of ‘Bloody Mary’ to rise from the hell.


Mirror, mirror hanging on wall,

Just give your answer to all:

What’s in you that we cannot control,

Looking at you and answering your call?



Martes, Mayo 26, 2009

Tribute to King Sol

Oh, Great Luminous Wise Eye,

King of the vast Kingdom Sky

Are you haughty or you’re simply shy?

Cause you’re always hiding your face in our pry.


Your brightness is timeless,

Your intrusiveness... boundless!

You serve as the mute witness

To all the Earth’s business.


Generations come and generations go

The wind: round and round it blows

Streams and rivers continue to flow

You: in silence, just emitting golden halos.


You keep vigil to the life

Of both the fool and the wise

In harmony and in strife

From their birth ‘til their demise.


What has been done will be done once more

What is new to you, oh Signor?

You have seen everything of yore

Is there anything that you don’t know?

Katitikan sa Isang Pulong


Petsa: Ika-dalawa ng Abril, taong 2009


Mga Dumalo:


Mr. Y

Mrs. Y

R. S.


Pinag-usapan:

Makailang ulit umikot ang mga kamay ng relo

unti-unting naubos ang pizzang hinati sa walo

sa bawat pagkabawas, nagbahagi ang kasamang ginoo

isang ideolohiya mula simula hanggang dulo.


Unang Hiwa:

Nagsimula sa lipunang primitibo

O, kay tahimik na mundo!

Simple lamang ang pagtatalo

sa pagitan ng kalikasan at ng tao.


Ikalawang Hiwa:

Hindi naiwasan ang panloloko

ng mga taong sadyang pinanganak na tuso

nang-api sa walang kalaban-labang tao

nagkaroon tuloy ng alipin at ng amo.


Ikatlong Hiwa:

Hindi pa rin natapos ang pananamantala

ang pang-aapi ay lalong pang ngang lumala

mga magsasaka ay patuloy sa pagbabata

lakas paggawa, sinangla sa panginoong maylupa.


Ika-apat na Hiwa:

Sa ika-apat na yugto, pang-aapi’y di pa rin naglaho

mga tusong kapitalista, patuloy pa ring namuno

ang paboritong kutlo ng mapang-abusong tuso:

‘’Paikutin ang kanilang ulo nang manatili sa pwesto.’’


Ikalimang Hiwa:

Katotohanan ay biglang sumambulat

mga manggagawa ay biglang naging mulat

“Magkapit-kamay, humawak ng armas

upang matigil na ang kaapihang dinaranas.”


Ika-anim na Hiwa:

Mararating pa ba ang lipunang komunista?

Walang manggagawa, walang kapitalista

walang sinasamantala, walang nananamantala

may pagkapantay-pantay sa buong planeta.


Dalawang hiwa pa ng pizza

ang naiwan sa gitna ng mesa

wala nang naglakas loob pang kumuha

dahil bawat isa ay punong-puno na.


Punong-puno ng kaalaman

kaalaman tungkol sa kaapihan

kaapihan ng maliliit na mamamayan

mamamayang babangon para sa kinabukasan!




Dilim



Ipikit ang mga mata nang mariin

Anong nakikita mo sa dilim?

Wala na ba sa'yong paningin

ang mga damdaming kinikimkim?


Mawawala ba ang mga tinig

Sa likod ng pintong nakapinid?

Magbabago ba ang iyong daigdig,

Sa pagmulat ba'y wala ka na sa'yong silid?



Linggo, Mayo 24, 2009

Mainit na Sabaw, Kaalamang Umaapaw (Para kina Y)



Ikalabing-anim ng Marso ang araw

Dalawang mangangatha ang naka-ulayaw

Magkakilanlan ang unang pakay

Ikalawa’y magpalitan ng mga pananaw.


Sa bawat pagtilamsik ng laway

Ilang hulagway ang nabigyang linaw

Kasabay ng paghigop ng mainit na sabaw

Mesa ay bumaha ng ideyang umaapaw.


(sandok... higop... lunok... sinop...)


Sandok ng mainit na sabaw sa tasa

Higop ng mga ideyang inilatag sa mesa

Lunok ng sabaw na kay sarap ng lasa

Sinop ng mga aral na nakuha sa kanila.


(sandok... higop... lunok... sinop...)


Tuloy-tuloy lumagatak ang kubyertos

Pagkain sa hapag ay tuluyan nang naubos

Ngunit ang mga kaalamang umaagos

Ay walang patid pa rin sa pagbuhos.


Dumating ang katapusan, napuno ang sisidlan

Ng mainit na sabaw sa aking tiyan,

Ng bagong kaalaman sa aking isipan,

At ng mga kaibigan sa aking listahan.


Binhi ng Galit


Minsan, nagtanim ako ng isang binhi ng galit

Araw-araw, dinilig ko ito ng ngitngit

Winisikan ko rin ng patabang himutok

Kaya ito’y sumibol sa kubling lupa ng poot.


Natuwa ako nang ito’y sumuloy

Ngunit naduwag ako nang ito’y yumabong

Kaya sinikap kong patayin ng pagpapasensya

Ngunit ang ugat yata’y bumaon na nang sobra.


Lumipas ang araw, ang galit ay nagsikip

Kaya gumapang ito palabas ng dibdib

Sumulong pa ito at umabot sa bibig

At doon sa dila’y namunga ng salitang masasakit.


Ang mga dahon nito’y tumakip sa tenga

Naging bingi sa paghingi n’ya ng dispensa

Nagsumiksik din ang sanga sa mga mata

Kaya hindi na nakita pa ang pagmamakaawa niya.


Nagdilim ang mata, nagsara ang tenga

Hindi na nalaman ang sumunod na istorya

Galit ay unti-unting nang nalanta

Hanggang sa mawala na,


dahil wala na rin siya.



Just Because...


Just because I ate my lunch

when anger was eating my heart


... my food got no taste

as I ate my lunch in haste


... I almost spewed my food

because it was not properly chewed


… I simply ate the half

and dumped the other chunk


Now...

… my stomach is upset

and my gastric juices are not at rest.


It’s all because I ate my lunch

when anger was eating my heart.



Huwebes, Mayo 21, 2009

The Woe in Sowing (Ang Hinaing sa Pagtatanim)

The Woe in Sowing

Does the farmer
listen
to the earth's complaint
when it feels the pain
the moment it is opened
with the plough
so the wheat
may be sown?

Does the earth
only feel
the sting of the wound
or does it experience
the thrill of the seed
Excited!
with the coming of
the joy of its fruit?



Ang Hinaing sa Pagtatanim

Nakikinig ba ang
magsasaka
sa panaghoy ng lupa
nang maramdaman nito
ang hapdi ng pagsugat ng araro
upang maipunla ang
natutulog na mga
buto?

Nararamdaman lang ba
ng lupa ang sakit
na dulot ng araro
o nararanasan din niya
ang saya ng punla
Nagagalak!
sa pagdating ng araw,
Araw ng Pagsibol?

Mga Awit ng Pagkasiphayo

Puwing
Umihip ang hanging pumukaw sa aking kamalayan
Umalimbukay ang natitining na alaala ng nakaraan
Gumiri-giri, umindak-indak sa aking harapan
Pumuwing sa mga mata kong sinikap kong takpan.

Mga alaala’y pilit na sumingit
Walang bisa ang ginawa kong pagpikit
Pumasok sa mga mata ang pilit na winawaglit
Kaya’t tumulo pa rin ang luhang kay pait.


Sugat
Ang puso ko ‘ata ay may sugat
Humahapdi pag nasaling ng alaala ng nakalipas
Kay sarap lagyan ng benda ng pangangarap
Na ako’y nasa bansang kung saan nagbuhat
Ngunit ang realidad ay sadyang kumakagat
Ang sugat ko tuloy tuluyang nagnanaknak.


Patid
Umalagwa ang damdaming pilit kong kinikimkim
Nagpatumbling-tumbling sa himpapawid ng paninimdim
Wala akong magawa kundi habulin ng tingin
Ang mga nagpasirko-sirkong lungkot sa papawirin.

Mga Kuskos-Balungos sa Pagshashampoo ng Buhok

Wet the hair thoroughly.
Basain ang buhok.
Pabayaang umagos
Ang tubig mula tuktok
hanggang batok.

(Pahintulutang malunod
Mga sentimentong nagpupuyos.
Mga nagkukumawalang alingasngas
Payagan mong tumagas.)


Put a small amount of shampoo on your palm.
Ilagay ang likidong di kalaputan
Sa nanghihingi mong kamay.
Langhapin ang bangong nakalapat
Sa nakalahad mong palad.

(Ang mga alingasaw na naghuhumiyaw
mula sa umagas na mga agam-agam
ay piliting hadlangan ng bango sa’yong kamay
hayaang magbigay ng panandaliang kapayapaan.)


Apply the shampoo on your hair. Lather gently.
Ipahid ang likidong mabango
sa mga maiitim na hibla sa iyong ulo
himas-himasin ang bawat himaymay nito
hanggang mabalot ng bulang kay bango

(Marahang labnutin mga naiwang pangamba
Hagurin ang bawat himaymay ng pag-aalala
Piliting wala nang matira
Na maaaring gumambala sa’yong pag-iisa.)


Rinse thoroughly.
Banlawan ang buhok
Mula tuktok hanggang batok.
Siguraduhing walang maiiwang
Bula sa anit at saan mang sulok-sulok.

(Pakawalan ang mga negatibong bagay
Kasabay ng mga bulang bumabaybay
Pababa sa sahig na naghihintay
Hayaang sa agos ito ay matangay.)



Repeat if necessary.
(May natira pa rin bang mga latak?
Bakit ang luha ko’y tuloy pa rin sa pagpatak?
Sayang!
Ang bote ng shampoo ko’y wala ng laman
Uulitin ko sana ang nakasulat sa likod nitong paraan
sa tamang pashashampoo ng buhok kong magaspang.)

Miyerkules, Mayo 20, 2009

Death, Thy Servant, is at her Door

The last thread of breath
Escapes from her lifeless lips
.
.
.
Then the darkness sweeps…
… the last flicker of light in her blurring eyes
… the sound of silence on her fastened lips
… the acrid taste on her tongue that dwells for years
… the last blow of kiss of humid air on her cheeks

(There comes the sound of nothingness)
.
.
.

Then…
A LOUD BANG!...

(her statue collapsed
smashed into dust
carried by the tender wind)

-she-
becomes a part of the air they breathe


(“Death, thy servant, is at my door. He has crossed the unknown sea and brought thy call to my home…He will go back with his errand done, leaving a dark shadow on my morning, and in my desolate home only my forlorn self will remain as my last offering to thee…”
-Tagore, from Gitanjali)

Nang Lumayas ang Musa

Papel na malinis
Di napudpod na lapis

Salitang naglaho
Balak na nabigo

Blankong utak
Naging bakante ang pitak

Kumawala ang musa
Di tapos ang nasa

Ideyang salat
Walang nang ma'sulat

Exodus 32: The Golden Calf

When there’s no strength left to endure,
She kneels down before a golden figure.
Before uttering her heart’s fracture,
Her eyes rest on its feature:

It has eyes but cannot see
Nose but cannot smell the offertory
Mouth but cannot express its feeling of pity

It has hands but cannot feel
Feet but it cannot walk on its heel.

Without uttering the sound in her throat,
She stands up and starts to leave the court.

Lover's Song

Lover:
Come with me, my fair maiden,
I will bring you to Eden.
We’ll make the clouds our chariot
And let the wings of the wind be our pilot.

Maiden:
Are we going to the boundaries that cannot be crossed,
Or to the high mountain that belongs to the wild goats?

Lover:
Yea, my love!
We will frolic with the beast of the fields,
Watch the birds of the air flirt with the wind.

Maiden:
And we’ll see their nest by the river
Then listen as they sing among the branches of cypress…

Lover:
Yea, my fair maiden!
And when the day is over and it’s time for our slumber,
We’ll rest our tired bodies on a mattress of birds’ feather.

Maiden:
(silence)

Lover:
The moonlight will be our ember
We’ll lay side-by-side under the ceiling of stars.

Maiden:
The beasts of the forest prowl
Lions roar for their prey as spoil.

Lover:
Do not fret, my fair one,
My love will keep you safe and warm.

Both:
(holding hands)
Love will sustain our heart.
And tomorrow, when the morning comes,
The sun will rise and shine his flames of fire.

(singing)
La, la, la, la…
Love will sustain our heart…
Tomorrow the morning will come
And breathe his flames of fire.


HEADLINE KINABUKASAN:

MAGKASINTAHAN, NATAPUANG WALANG BUHAY AT DUGUAN SA DAMUHAN, NILAPA NG HARI NG KAGUBATAN

Rear-View Mirror

... and everything is coming back to me: PNU, Normal Hell (ehem! Hall), LSC, CLLL, catwalk, BSE English, IV-11, French class, Monsieur James, Mademoiselle Gaelle, bunny holding a cookie in the moon, Reading Society, ‘bloody’, Vincent Van Gogh, Starry, Starry Nights, Vincent – Don Mclean, Sonnet 116, CTL (hatred… more hatred… forget everything)

… LET, MHCS, Ma’am Damples, Hezekiah room, GBC (enlightenment), English Department, mommies and singles, Elaine, Spongebob Squarepants, Patrick Starfish, Anakin, Tuldok (a.k.a Duke), Journalism Club, Ma’am Arlene, Sway, Phantom of the Opera, Memoirs of Geisha, Jungle Pen (a.k.a Candle Pen), hipon, manggang hilaw, bagoong, Shekinah’s Anniversary, Glorietta, Pizza Hut, bell, wasabi peas, MRT, Guadalupe Station (5 phases to acceptance: 1st: denial, 2nd: anger, 3rd: bargaining, 4th: depression, 5th: acceptance – but in every phase, there is always HOPE), Remedial Reading Program, summer classes, biometric, TOS, LOI, warehouse, Sterling, Country Style, Pancake House, granny goose, 4:00 PM, ACELT, Professor Marian, sure (high pitch), Chinese New Year, Spring Concert, ‘TeJheng, 8th April 2006, Laundromat, resignation letter (>end<)

Remembering the past is like driving your car very fast and looking at the rear-view mirror. You can see the area behind the vehicle through the back window. You can have a glimpse of where you have been to and all the things that you have passed through yet you cannot stop and go back because the car must continue to run forward for you to reach the final stop. (>end<)

... and I looked again at my rear-view mirror: passport, visa, telephone calls, my 23rd birthday, October 3, 2007, Emirates Airlines, apple juice, red wine, Panadol, Toni Gonzaga’s movie: ‘You Got Me’, Dubai, Al Madar Engineering, Al Lootah Company, Gulf Newspaper, RTA buses, Al Rais Travel, conference room, business development office, work… work… work… (then I keep driving and looking at my rear-view mirror.)

Last Song of Goodbye

This night is not the same as the other nights

It is a night like this one I tried to take you out of my mind
Your face which haunted my sleepless nights

The intense feeling that mesmerized my soul lingers no more
Your memories no longer seize my soul

In this moment, you are no longer a part of me

If these will be the last verses that you can make my heart sing
This would be my sweetest melody

And if this will be the last sadness that you can make me suffer
I would endure this cry and would be satisfied

Tonight will be the final night that you are my muse

How can I not offer you this finest goodbye,
When in the past you’re the one who occupied my mind?

Though tomorrow it will no longer be the same
You will be just like the other. Like the other as I am to you

In this moment, you are no longer a part of me

Tomorrow, my thoughts of you will no longer be the same
It doesn’t matter anymore if I do not have you

You will no longer be that someone
As I hope no more to be your someone

Tomorrow, we will be the same. Just like the other

Oh, how I loved you!
How I begged the wind to whisper that to you

Those nights seemed so endless because I do not have you
My heart was not whole because you’re not with me

But this night is not the same as the other nights

And tomorrow, it will not be the same
I no longer love you. That is certain