Gaano Kita Kamahal?
(salin sa Sonnet 43: How Do I Love Thee
Elizabeth Barrett Browning)
ni Reya Bato
Gaano kita kamahal? Hayaan mong
ilahad ko ang mga paraan. Minamahal
kita sa lalim, lawak, at lawig
na kayang abutin ng kaluluwa,
kung ang kamalaya’y naglaho na
sa pagwawakas ng Pag-iral at minimithing
Pagpapala. Minamahal kita sa antas
ng pinakabanayad na pangangailangan
ng bawat araw, sa umaga ni sa gabi.
Minamahal kita nang malaya, tulad
ng pakikipagbatá sa Karapatan;
Minamahal kita nang dalisay gaya
ng pagbibigay puri sa Maykapal.
Minamahal kita kalakip ng sidhi
ng mga nakaraang pighati, kasama
ng aking mga pananamplataya sapul
nang pagkabata. Minamahal kita nang
may pag-ibig na tila aking naiwala,
minamahal kita sa bawat hininga, ngiti,
at luha! At kung Kanyang hihirangin,
ikaw ay lalo ko pang iibigin sa oras
na ang buhay ko ay pawiin.
22nd December 2010
Original Text
How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.
I love thee to the level of everyday's
Most quiet need, by sun and candlelight.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.
I love thee with the passion put to use
In my old griefs, and with my childhood's faith.
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints,—I love thee with the breath,
Smiles, tears, of all my life!—and, if God choose,
I shall but love thee better after death.
Budget Meal Ginisang Pechay With Tokwa at Tinapa, If Type Mo Ang Tinapa
Subokan Mo Ito
11 buwan ang nakalipas