Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Lunes, Oktubre 5, 2009

Dalamhati



Halaw sa 'Sorrow' ni Edna St. Vincent Millay

Tumatahip sa aking dibdib
ang sakit na walang patid
sa pagtangis. Ang mga tao
ay alumpihit at napapahiyaw
sa sakit, -- Sa pagdating

ng bukang-liwayway
sila’y matatagpuang walang
ingay ni galaw; hindi man lang
nadagdagan o ni nabawasan,
wala ring nasawata

ni nag-umpisa. Ang mga tao
ay gumagayak at sa bayan
ay nagpupunta; ako’y nakaupo
sa aking silya. Lahat ng alaala
ay mabagal at lanta: Tumayo

man o umupong muli
ay walang halaga, o kaya’y
anong gagamiting bestida
o panaping isusuot sa paa.





(Orihinal na Teksto)
Sorrow
Edna St. Vincent Millay


Sorrow like a ceaseless rain
Beats upon my heart.
People twist and scream in pain,—
Dawn will find them still again;
This has neither wax nor wane,
Neither stop nor start.

People dress and go to town;
I sit in my chair.
All my thoughts are slow and brown:
Standing up or sitting down
Little matters, or what gown
Or what shoes I wear.

1 komento: