Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Sabado, Mayo 8, 2010

Maligayang Pagdating

Maligayang Pagdating
ni Reya Bato

(salin sa Welcome Here ni Liam Wilkinson)
Ika-7 ng Mayo 2010

Pakinggan ang aking pagkasuklam
sa mga bersong lumitaw noong
gabing nagdaan. Hangad nila’y
mangkok ng aking pagkalugod

habang ginagawa nilang kubeta
ang pilas ng papel na inilabas ko
sa kanila. Hayaan ninyong
ibida ko ang alibadbad na

aking nadama sa magdamag
na pag-iiskoba ng duming naiwan
sa sala. Sa bawat singit-singit
ng mga palugit, may mga nakasingit

na hulagway at pagwawangis.
Dinggin ang aking pagdusta
sa aking mga bwisita, sa bahay
ko ay ni wala silang itinira

kundi ang umaalingawngaw
na aliw-iw at nakakaaliw na
mga salitain na animo’y alingasaw
na naiwan sa pahinang palikuran.


Orihinal na Teksto:

dito

1 komento:

  1. Kuya Allan's comment:

    Kosa, sementado na talaga ang aking tiwala sa iyong kakayanan.

    Gayong pinanatili pa rin ang kabuuhang ideya at kalakhan ng senaryo ng pinagbatayang tula, ang sariling kaparaanan mo sa pagrerenda ng salita ang siyang nagbibigay ng lokal na lasa sa iyong katha.

    Matagumpay na napagtunog-orihinal na Filipino ang akda, sa halip na isang salin mula sa banyagang wika. Tulad nang dati, ang tapat kong pagpupugay sa iyo.

    http://www.filipinowriter.com/maligayang-pagdating#comment-42847

    Aylabit!

    TumugonBurahin