Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Miyerkules, Agosto 19, 2009

Warm Up



Sa loob ng aking isipan,
may nagkalat na talaguhitan:
Umabot ba ang kita sa tudlaan?

Nahawi ang mga linya
sa paglabas ni Lady Gaga
na sumusunod sa kanyang sinisinta.

Di pa man nakakahabol ang babae
kinain na siya ng gutom na presidente
na ngumangasab pa ng mga mahal na putahe.

Habang ngumunguya ang pangahas
si Orlando ay biglang lumabas.
Bakit paggising niya, isa na siyang dilag?

Sa bawat kisap, nagbago ang imahe sa aking utak
nagliwaliw, sumirko-sirko at nagpakalat-kalat.
Ang aking utak ay parang mawawasak!

KA-BLAAAAAMMMM!!!

Sumabog nga ito na parang bomba
Tumilapon ang bawat linya
Napakanta ng Starstruck si Lady Gaga

Kumalat ang mga putahe ng presidente
Napatili si Orlado na ngayo’y isa ng babae
Nagcartwheel ang mga pasaway na imahe.

Nagtakbuhan silang pakalat-kalat
Iniwan akong wasak ang utak
Umaagos ang membrane, cells, dugo, at ugat.

4 (na) komento:

  1. sintomas daw ng maturity ang pagsabog ng utak!

    more post!

    TumugonBurahin
  2. Ka-blaaaaammmm!!!
    Sumabog ulit ang utak ko?
    Anong teorya meron sa sintomas na yun?

    TumugonBurahin
  3. ..buti n lng slightly use ang utak ko kaya di sya sa2bog..hehe

    TumugonBurahin