Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Linggo, Hunyo 21, 2009

Tanaga


(Tanaga para kay Reya)

Kay tahimik ng gabi,

Ang isang binibini

ay sumubok humabi

letra sa tabi-tabi:


(Tanaga na nagbibigay aral)

Mag-ipon sa'yong gusi

Nang ika'y may mahasi.

Pagdating ng tagbisi*

ay 'di ka magsisisi.

*tagbisi - tagtuyot


(Tanaga tungkol sa pananampalataya)

Ang taong bukas-palad

Ay madaling umunlad

Kamay ay nakalahad

Sa biyaya N'yang gawad.


(Tanaga tungkol sa kalikasan)

Sa tikatik na ambon

Umaawit ang dahon,

Sumisilong ang ibon,

Sumasayaw ang alon.


(Tanaga tungkol sa bayan)

'Pag palasyo'y pinasok

Ng buwayang niluklok

Sistema'y mabubulok

Baya'y maghihimutok.


6 (na) komento:

  1. Hi! i loved it... gusto ko yung tanaga tungkol sa bayan at kalikasan... pero maganda rin yung iba... first time ko nakita blog mo and i could say i'm quite impressed about your poems... nagsusulat din ako ng poems... yun nga lang, haiku ang specialty ko...

    have a good time to you...
    smile!!!:)

    TumugonBurahin
  2. May mga haiku din akong nagawa at isinalin ko rin sila sa Filipino.

    Linangin natin at pagyamanin ang panitikang sariling atin...

    TumugonBurahin
  3. add kita rhea, si spike to!hahahah! Spike aka drake!hahahha!!

    TumugonBurahin
  4. ..mas gusto ko ang tanaga para kay reya..napakagandang binibini..

    TumugonBurahin
  5. wla ung hinahanap ko

    TumugonBurahin