Page copy protected against web site content infringement by Copyscape

Sabado, Enero 16, 2010

Ako, na Ipinanganak na Babae at Nangangamba

Edna Saint Vincent Millay

Ako, na Ipinanganak na Babae at Nangangamba



(halaw sa I, Being Born a Woman and Distressed
ni Edna St. Vincent Millay)


Ako, na ipinanganak na babae at nangangamba

sa pangangailangan ng aking kauri at aming sapantaha,

ay nahikayat ng iyong kalapitan para makaunawa

sa karik’tan ng iyong pagkatao, at damhin ang pihong ligaya




habang nakapatong ang bigat mo sa akin katawan:

Napakarupok ng hininga ng buhay, nilaan

upang linawin ang tibok at guluhin ang isipan,

at iwan mo ulit akong kulang, sarili ay hindi kamtan.




Wag mong isipin, gayunman, ang abang kataksilan

ng aking mapusok na dugo laban sa aking tulirong isipan,

iisipin kita nang may pagmamahal, o kaya’y rekaduhan

ang aking pangungutya ng awa, -- hayaan




mong linawin ko ito sa katwirang:

Tanto kong ito ay kahibangan at alanganing dahilan

ng ating pag-uusap sa muli nating pag-uulayaw.





Orihinal na Teksto:


I, being born a woman and distressed

By all the needs and notions of my kind,

Am urged by your propinquity to find

Your person fair, and feel a certain zest

To bear your body's weight upon my breast:

So subtly is the fume of life, designed

To clarify the pulse and cloud the mind,

And leave me once again undone, possessed.

Think not for this, however, the poor treason

Of my stout blood against my staggering brain,

I shall remember you with love, or season

My scorn with pity, -- let me make it plain:

I find this frenzy insufficient reason

For conversation when we meet again.





1 komento: