Kwentong Barbero
(salin sa tula ni Russell Edson)
ni Reya Bato
Hala, ang sabi ng barbero
nang magupit ang tenga ng isang parokyano.
Sa lugon ng buhok ito lumagpak
para tuloy itong sanggol na bagong panganak.
Mabuting tenga ito tiyak
bumagsak nang walang kapugak-pugak
Hindi, sabi ng parokyano,
matutuli ito masyado
Sinubukan ko minsang maglagay ng mitsa
nang makapakinig naman ako ng musika
ngunit nang ito’y sindihan ko na
ulo, singit at kilikili ko ay nasunog
sumiklab pa ang apoy sa magubat na kanunog
pakiramdan ko tuloy isa akong santo
akala naman ng iba ako’y isang henyo.
Sabi ng barbero, buti na lang at nakalusot ako
ngunit di kita mapapauwi na iisa ang tenga
labag ito sa batas ng simetria
kailangan kong tanggalin ang isa pa
pero huwag kang mag-alala
ito rin ay isang disgrasya.
Siguraduhin mong ito’y di mo sinadya
ayokong magupit mo ako nang kusa
baka lalamunan mo ay malaslas kong bigla
pero sisiguraduhin ko ring hindi ko iyon tangka. #
Para sa orihinal na teksto, pakiclick ito.
Budget Meal Ginisang Pechay With Tokwa at Tinapa, If Type Mo Ang Tinapa
Subokan Mo Ito
11 buwan ang nakalipas
hahahaha natawa ako sa tulang ito. ang galing..
TumugonBurahin;)
TumugonBurahinThank you!