Usage and Dosage:
To soothe the fever of the brain at worry,
take a spoonful syrup of sweet reverie.
Use this narcotic in discreet doses only.
It dulls the sharp corners of one’s memory
then produces a soft, fresh vapor of liberty.
Warning and Precautions:
Take the syrup in every scheduled hour.
Do not exceed the given dose.
Too much reverie submerges and drowns.
In case of an accidental overdose,
immediately seek the help of reality.
Mga Sangkap:
1 tasang pinira-pirasong masasayang alaala ng nakaraan
2 kilong mithiin sa buhay (pinagtagni-tagni)
5 malalaking hiwa ng pangarap sa buhay
3 tasang tiwala sa masaganang kinabukasan
1 litrong tubig ng pagkalimot sa problema
7 patak ng inspirasyon
2 kutsaritang katahimikan
7 kutsarang dasal (pwedeng dagdagan kung kulang pa sa panlasa)
Paraan:
Siguraduhing piniling mabuti ang mga pinira-pirasong masasayang alaala ng nakaraan. Huwag hayaang mahaluan ito ng malulungkot na alaala. Ihalo ang 2 kilong mithiin sa buhay at ang 5 malalaking hiwa ng pangarap. Haluin mabuti. Ilagay ang 3 tasang tiwala sa masaganang kinabukasan.
Ihulog ang mga pinaghalo-halong sangkap sa kumukulong isang litro ng tubig ng pagkalimot sa problema. Pakuluan ng isang oras.
Ihalo ang 7 patak ng inspirasyon at ibudbod ang 2 kutsarang katahimikan. Patamisin ng 7 kutsarang dasal (dagdagan kung kulang pa sa tamis).
Pakuluin hanggang sa lumapot ang sabaw.
Palamigin.
Meron ka ng REVERIE SYRUP!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento